About Me

My photo
Tarlac, Region 3, Philippines
Simple girl with simple dreams in life, from shy to confidence. Minsan moody, pero I make sure na may accomplishment ako each day. In my smiles, there are pain that hides on it. At naniniwala ako na lahat ng pangyayari sa mundo ay may dahilan at si GOD lang ang nakakaalam.

Saturday, September 11, 2010

Ano kaya ito?

Sa tuwing nakikita ka
Ako ay masaya at puno ng pag-asa
At sa tuwing wala ka,
hinahangad na ika'y makita.

Ano kaya itong nararamdaman ko
Mahal na nga ba kaya kita?
O sadyang naguguluhan lang ako
Sa lahat ng iyong pinapakita.

Hindi malaman ang nasa isip
Ang mga tingning ipinupukol sa akin,
Ano ba ang nais iparating?
Ramdam ko may ibid itong sabihin.

Sana ay malaman ko ang nilalaman ng puso,
Naghihintay sa sasabihin mo
Kung meron bang pagtingin?
At kung wala ay okey lang.

Hindi ako umaasang meron nga
Masaya na ako dahil nandiyan ka,
Nakikita, nakakausap at nakakasama
At kontento na ako kung anong meron tayong dalawa.

1 comment:

  1. Emote lang, kung sino ka man sana ma feel mo at maapreciate dahil totoo ito at galing sa aking puso. Gusto ko lang ishare sa lahat ang feelings ko at sa makakabasa nito guess niyo na lang kung sino itong taong ito.

    ReplyDelete